Some stay for a while, some stay for a longer while. Accept that life is a journey and everyone is walking through their own paths. You can’t force them to stay if it’s time to leave. Accept the truth and start working from that point.
Ang mga parke ay pasyalan.
Ang mga kalsada ay para sa mga sasakyan.
Ang mga puno, para sa lilim.
Ang mga poste ng ilaw, tanglaw sa dilim.
Sabihin mo sa sarili mo:
Ang mga lugar ay pawang mga lugar lamang.
Huwag kang magkakamaling hanapin maski anino niya sa tabi mo
O ang mga hakbang ng mga paa niyang dati’y sumasabay sa’yo.
Walang kinalaman ang paglubog ng araw sa init ng kanyang mga kamay o sa simoy ng hangin sa ginhawa ng kanyang mga akbay, ang huni ng mga ibon sa iyong tuwa.
Wala na siya.
Ito ang napatunayan ko:
Kaya mong makabisa ang bawat liko ng isang siyudad nang hindi ito itinuturing na tahanan.
Ang mga lugar ay pawang mga lugar lamang
hanggang mag kasama niyong namasdan ang mga ito.
Ang sementong sahig ay mananatiling tahimik
kung hindi niyo sinulat dito ang inyong kwento - ang inyong kwento, mga pangako, mga problemang binuo -
paulit-ulit, paulit-ulit
ipapaalala ko sa sarili ko
ang bawat kanto na pinalampas,
bawat sulok na wala mo pang bakas,
ang iyong mukha, ang iyong ulo sa aking dibdib.
Maglalaboy ako hanggang maligaw sa siyudad
itong nakasanayan kong pag-ibig.
Maglalaboy ako hanggang matanggap ko.
Itong mga lugar na pawang mga lugar lamang
at hindi tahanan ng mga ala-ala mo.
Naniniwala ako na kung maging masakit man. Kung pagdating sa dulo ay patayin man ako sa sakit ng saya na ibinibigay mo, magiging sulit ang lahat dahil naniwala ako sayo.
What if we all looked the way we wanted? Our ideal weight became reality, our worries about money washed away. Your love life is exactly the way you pictured it. Do you think we’d all be happier? Or would we just find new things to hate?